M
Pinangunahan ni Hon. Gen. Ronnie Evangelista ang kaniyang kauna-unahang Flag Raising Ceremony bilang bagong alkalde ng bayan ng Montalban. Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, mga empleyado ng munisipyo at ng buong Sangguniang Bayan ng Montalban. Nagpahayag din ng mensahe ang bagong alkalde para sa pagkakaisa ng bawat kawani ng gobyerno. Aniya, tapos na ang eleksyon at dapat nang alisin ang political colors, “I do not care if you will be loyal to me. I don’t care if you have loyalty to anybody. I have only one request, be loyal to the Montalbeños.”